Pagmamahal sa Sarili

Ang pagmamahal sa sarili ay isang magandang simula ng pagkakaroon ng magandang relasyon sa ibang tao. Maraming mga klaseng pagmamahal, pagmamahal sa Diyos, pamilya, kaibigan at sa kasintahan. Ngunit may isang pagmamahal tayong nalimutan, ang pagmamahal sa ating sarili. Sa dami-dami ng pagmamahal natin sa ibang tao, nawawalan na tayo ng oras para pahalagahan at mahalin sa ating sarili. Kaya tayo nasasaktan dahil mismo tayo hindi kayang mahalin ang sarili. Sa panahon natin ngayon marami ng tao nag papanggap upang mabigyan pansin ng ibang tao. Mahalaga sa ating ang mga opinyon ng mga taong nakapaligid sa atin tungkol sa ating sarili kahit minsan ang iba ay nakakasakit sa ating kalooban. Kaya naman nagawan lang ng iba ang magpanggap upang tanggapin lang sila. 

Sa totoo lang hindi naman kailangan magpanggap upang magustohan ka nang mga taong nasa paligid mo, ang kailangan mo lang ay ang pagpapakatotoo sa iyong sarili. Mahalaga rin ang respeto, respeto sa kapwa mo at syempre respeto sa sarili mo. Ang pagtanggap sa ating sarili ay isang magandang simula upang magkaroon ka nang magandang pakikisama sa ibang tao. Kung may pagsubok man na dumating sa ating buhay, mapapanatili parin tayo babangon dahil alam natin sa ating sarili na pagsubok lang yan. Matutoto rin tayo tanggapin ang ating pagkakamali at sinisiguro natin na matatama ang lahat ng pagkakamali. 

Lahat naman tayo ay may iba’t ibang katangian sa buhay. Hindi natin kailangan ikompara ang ating sarili sa iba dahil lahat tayo ay may kanya-kanyang istado. Ang buhay natin ay isang biyaya na galing sa ating Diyos kaya pahalagahan natin ito at mahalin tulad lang ng pagmamahal ng Diyos. Kailangan talaga natin mahalin ang sarili natin Dahil sa huli, sarili mo lang ang mayroon ka. 

Leave a comment